Halimbawa Ng Sawikain

Halimbawa ng sawikain

Answer:

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin

Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi

Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga

Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing

Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Posibleng Mga Sanhi Ng Gutom At Labis-Labis Na Kahirapang Nararamdaman Ng Mamamayan Ng Isang Bansa?